SAMPUNG PASAHERO
- si kawawa (katabi ng driver, sa harap naka upo)
- si asar (katabi ni kawawa, malapit sa pinto)
- si tamad (nasa likod ni driver,unang pasahero na sumakay sa gitna)
- si mabait (pangalawang pasahero na sumakay sa gitna)
- si petiks (pangatlong pasahero na sumakay sa gitna)
- si iritable (huling pasahero na sumakay sa gitna)
- si sugapa (pasahero sa likod, nasa likod ni tamad)
- si swapang (pasahero sa likod, nasa likod ni iritable)
- si epal (pasahero sa likod na katabi ni sugapa)
- si papansin (pasahero sa likod na katabi ni swapang)kanilang madalas na ginagawa.
SI KAWAWA
- si kawawa ang katabi ni driver, kawawa sya dahil lageng natatamaan ni driver ang kanyang tuhod sa tuwing kumakambyo ito, lalo syang kawawa kung naka shorts lang sya at type pa sya ni driver, laging kakambyo si driver nito para lang maka tsansing sa kanya, kawawa din siya kasi limited lang ang kanyang space, at pag may mga side comments pa si driver eh sya ang kinakausap at no chice sya kung hindi sumang ayon kay driver.TIP: kung ikaw si kawawa, wag kalimutang mag dala ng mp3, ipod, ipad, cellphone, walkman. basta may isasalpak lang kayo sa tenga nyo at patay malisya na lang kayo
SI ASAR
- si asar ay nasa tabi ng pinto sa harap, palaging asar ito kasi pilit nyang isisiksik si kawawa para maka kuha ng comportableng lugar, asar din siya sa tuwing bababa si kawawa dahil nakakaasar nga naman kung masarap na ang pwesto mo at bigla ka nalang lalabas ng fx para lang paraanin si kawawa at asar sya kasi sya na ang susunod na kawawa dahil papalitan nya ito sa pwesto.TIP: kung ikaw si asar, wag kalimutan magdala ng payong dahil kung sakaling paparaanin nyo si kawawa eh mababasa kayo kung wala kayong payong at kung maari, tanungin nyo muna si kawawa kung saan sya baba para kung sakali man mauna sya bababa eh sa ibang pwesto na kayo umupo.
SI TAMAD
- si tamad ang unang sumakay sa gitna, tamad sya kasi makikita mo lang syang madalas naka sandal sa pintuan sa kaliwa ng fx, tamad sya at hindi nag aabot ng bayad, makikikta mo pa na sya ang may pinaka kumportableng upuan sa apat sa kanila sa gitna, at sa kanta pa naka tapat ang aircon. mapapansin ninyo na kadalasan matataba ang pumupwesto sa pwesto ni tamad at si tamad din ay laging may earphone sa tenga. at higit sa lahat tamad sya kasi makikiusap pa yan kay driver kung pwede bumaba sa pintuan sa tabi nya.TIP: kung ikaw si tamad ikaw ay maswerteng nilalang, sumakay kay tamad pag alam mong malayo ang biyahe nyo at ikaw ang huling bababa sa fx.
SI MABAIT
- si mabait ang katabi ni tamad, at si mabait ang madalas na nag aabot ng bayad. saludo ako dito kay mabait dahil wala syang reklamo, siya ang hero lage ng mga nakaupo sa likod. at natawag din syang mabait dahil kahit solo ni tamad ang aircon eh ok lang sa kanya, matatahimik na lang sya kung bigla itapat ni tamad ang aircon sa sarili nya. walang magagawa si mabait since naunang sumakay si mabait. at sya din ang madalas na hindi nakasandal dahil sa kaliwa nya si tamad na nakasandal at si petiks na nakasandal din.TIP: kung ikaw si mabait, malas mo. mabait na kung sa mabait pero hindi ko pinangarap umupo sa pwesto na ito.
SI PETIKS
- si petiks ang pangatlong sumakay sa gitna, kagaya ni tamad petiks lang sya lage at nakasandal sa upuan. nag aabot ng bayad paminsan minsan pero labag pa sa kanyang kalooban. sa kanya naman nakatapat ang isang aircon. walang kahirap hirap sa buhay. in short petiks.TIP: kung ikaw si petiks mahiya ka naman. minsan naman eh ikaw na ang mag abot ng bayad, alam mo namang hindi naka sandal si mabait at si iritable eh.
SI IRITABLE
- si iritable ang huling sumakay sa gitna ng FX. Iritable sya kasi palaging maliit ang natitirang espasyo sa kanya, hirap pa sya magsara ng pinto kasi nga konti na lang ang kanyang space. iritable din sya kasi hindi na sya natatamaan ng aircon eh hindi pa sya makasandal since si petiks ay makapal ang mukha. iritable ulit sya kasi sa tuwing may papara eh sya ang kelangan magparaya. pwera na lang kung si tamad. pero masaya si iritable kung sakaling papara ang isa ng mga tauhan sa gitna kasi magiging sya na si petiks.TIP: kung ikaw ay isang malusong na nilalang wag nang sumakay sa FX kung ikaw si iritable dahil mapapahiya ka lang at baka hindi masara ang pinto sa kahit na anung pilit mo, wag din kalimutan ang payong para kung sakaling umulan ikaw ay eveready.
SI SUGAPA AT SI SWAPANG
- si sugapa ay nakasakay sa likod, na nasa likod ni tamad habang si swapang naman ay nasa likod ni iritable, sila ang mga may ari ng aircon sa likod. pag sakay mo sa likod at anjan na si sugap at swapang asahan mo ng nakatutok sa kanila ang aircon at since sila ang nauna sumakay sa likod kumportable ang kanilang upo, pwera na lang kung may gulong sa likod, buti nga!TIP: kung ikaw si sugapa at swapang matuto naman kayong makiramdam kung naiinitan si epal at papansin. pasahero din sila. nagbabayad. pero mag ingat din kayo sa kanila lalo na pag nagtetext kayo
SI EPAL AT PAPANSIN
- si epal at papansin ang mga huling sumakay sa likod ng FX, naturingan silang epal at papansin since kahit alam nilang naka tutok na ang aircon kay sugapa o kay swapang eh makikiusap pa sila sa kanila kung pwede itapat naman sa kanila, buti nga kung magpapaalam pa, may iba na basta nalang itututok nila ang aircon sa kanila. epal at papansin din sila kasi kung sakaling nagtetext si sugapa o swapang eh makikita mong ang mga mata nila ay nasa cellphone at nagbabasa kung ano ang iyong ginagawa.TIP: kung ikaw si epal o si papansin, magpaalam naman ng maayos kay sugapa o swapang kung kayo ay naiinitan, at higit sa lahat wag babasahin kung may nagtext sa kanila. sige ka makakarma ka kung biglang bumaba ang katabi mo at ikaw naman ang nasa pwesto nila.
sino kayo sa kanila?
Posted on Monday, 5 July 2010
mga TAUHAN sa FX
517 notes
-
tsokolein liked this
-
blizzard14 reblogged this from pinoytumblr
-
tester-webmaster liked this
-
je-ar reblogged this from pinoytumblr
-
mysocoldlife reblogged this from pinoytumblr
-
happygosarah reblogged this from pinoytumblr and added:
WAHAHAHAHAHA! Sobrang tinamaan ako dito! Ako...Tamad… HAHAHAHAHAHAHA!:)) E bat ba!...
-
thefifteenthtarget reblogged this from pinoytumblr
-
thefifteenthtarget liked this
-
thisuserdoesnotexistanymore reblogged this from pinoytumblr
-
thisuserdoesnotexistanymore liked this
-
kitenkitenkiten liked this
-
scratchykalmot liked this
-
theblairwaldorf liked this
-
evezz liked this
-
sprinklesomepixiedust reblogged this from itsjamesyall
-
kathuson liked this
-
terminalkaboosh liked this
-
youreextraordinharry liked this
-
thebandwagonrider liked this
-
infinitelysone reblogged this from itsjamesyall
-
cerrise reblogged this from itsjamesyall and added:
SAMPUNG PASAHERO - si kawawa (katabi ng driver, sa harap naka upo) - si asar (katabi ni kawawa, malapit sa pinto) - si...
-
boobiestar reblogged this from pinoytumblr
-
haiaelleirda reblogged this from pinoytumblr and added:
kanina e.. hahaha… minus tthe
-
ronnamae reblogged this from blessiepooo and added:
hahahaha. favorite kong maging sugapa at swapang. HAHAHAHA
-
blessiepooo reblogged this from tentang
-
yssaloves reblogged this from pinoytumblr
-
homeworkhurtstrees reblogged this from tentang
-
buhaynijuan liked this
-
lucyphilosophy reblogged this from pinoytumblr
-
tentang reblogged this from embrace-the-hate and added:
GRABENG TAWA KO DITOOO AS IN
-
parryjameshotter liked this
-
brightmead0w reblogged this from pinoytumblr
-
brightmead0w liked this
-
xiaotsiexiao liked this
-
kayedeeceecee liked this
-
paidadvocate liked this
-
miakamiatot reblogged this from itsjamesyall
-
meteorite16 reblogged this from pinoytumblr
-
meteorite16 liked this
-
sefjusef reblogged this from pinoytumblr
-
christinaaaaa03 reblogged this from itsjamesyall
-
nawawalangprinsesa reblogged this from itsjamesyall
-
bounce-around-life liked this
-
nawawalangprinsesa liked this
-
cosayt liked this
-
livelovelaughmaica reblogged this from krstnbacayon111
-
jaincinjhay reblogged this from itsjamesyall and added:
sa totoo lang hindi ko pa cia nababasa ehhh…mamaya nlng…trip ko lang tlgang mag reblog ng mga post….
-
jaincinjhay liked this
-
crownvip reblogged this from pinoytumblr
-
crownvip liked this
- Show more notes